26.5.09

SINO NGA BA ANG PIPILIIN MO?

Bakit kaya minsan ang sarap magmahal kahit walang kapalit??? naisip mo na ba iyon? kala mo okey lang... pero sobrang hirap...

Masarap magmahal hindi ba? Kahit ikaw, hindi ka sigurado sa pag-ibig ng taong mahal na mahal mo... Minsan iniisip mo nalang na pagdating ng tamang panahon magiging maayos din ang lahat... Sana nga!!! Nang hindi ka naman mukhang tanga na umaasa sa wala...

Minsan din ang sarap sarap isipin na minamahal ka ng taong mahal mo!!! yung tipong kayo na lang sana at hindi ang babaeng nakikita mong kasama nya na masaya at akala ang buong mundo ay kanilang kanila...

Minsan din ang sarap bumalik sa nakaraan... yung tipong masaya pa kayo, parang mga batang walang problema... kung meron man parang, against all odds ang settings... pero may nakabitin pa ring tanong... ano kayang nangyari??? pero ang kadalasang kasagutan e:

1. kasi di pala kami para sa isat-isa;
2. Nagkamali ako sa kanya;
3. iniwan lang nya ko ;
4. may iba na syang mahal;
5. niloko lang nya ko;
6. Di ako gusto ng parents nya;
7. ayoko na puro nalang kami away;
8. masyado nya kong sinasaktan;
9. nagsawa na sya sakin;

pero ito pinaka masakit;.

10.hindi pala nya talaga ako mahal (parang
panakip butas)

Grabe hindi ba??? Pero kailan kaya natin maririnig na nagpapasalamat ang isang Umiibig sa taong nakasakit at sinaktan sya??? minsan naisip din kaya natin na kung ano ang kahalagahan ng isang bagay??? Yung kailangang bigyan ng halaga habang nandyan pa! Minsan kasi, saka lang natin nalalaman ang isang kahalagahan ng isang bagay
pag wala na ito sa atin!!!

kaya minsan din isipin natin yung mga sinasabi,kinikilos, ginagawa natin kasi hindi lahat ng tao kayang tanggapin kung ano at paano natin ginagawa ang isang bagay!!! subukan nating magpasalamat sa kabila ng lahat...

A. kung sinaktan ka nya... magpasalamat ka dahil sya ang dahilan para tumibay ka;

B. kung niloko ka nya... patawarin mo at pasalamatan mo... dahil kung hindi sa kanya hindi mo mararamdam ang sakit na pwede ding maramdaman ng iba... at least hindi mo gagawain sa iba;

C. kung hindi ka nya minahal... pasalamatan mo!!! dahil at least kahit papano na-feel mo na minahal ka nya kahit hindi, pasalamat sya dahil ikaw minahal mo sya ng buong buo;

minsan kailangan lang natin harapin kung ano man ang nakasakit sa atin... piliting kalimutan... piliting harapin kung ano ang noon... noon lang yun... iba ang ngayon!!! dahil kung nasaktan ka man noon, ngayon mag-iingat ka na at alam mo na kung ano
dapat at hindi para hindi masaktan.

mahalin mo ang mga taong nakasakit sayo dahil sila ang dahilan para maging matibay ka!!!! para sa susunod di kana basta-basta padalos-dalos. pasalamatan mo ang taong nakasakit sayo...

sino ba ang mas mahalaga, ang taong mahal mo o ang taong gusto mong mahalin???

ang taong kasama mo buong araw o ang taong iniicip mo bago matapos ang araw???

siya bang kasa-kasama mo sa lahat ng ginagawa mo o siyang dahilan ng lahat ng galaw at ginagawa mo???

sino ba ang mas mahalaga... yung taong nais mong makasama habang buhay o yung taong
hindi mo makita ang habang buhay kapag wala siya?

Sino ang mas matimbang... yung taong pag kasama mo'y parang kay bilis ng oras o yung
taong tuwing iniicp mo'y parang kay bagal ng oras?

ano ang susundin mo... ang dinidikta mo sa puso mo o ang dinidikta ng puso mo syo?

sya ba un laging pumapasok sa isip mo o siya yung laging laman ng panaginip mo?

Sino nga ba... ang taong nagpaluha syo, o ang taong nagpunas sa minsang pagluha mo?

Sino sa kanila... ang taong nagpapatawa syo o ang taong dahilan ng lahat ng iyong emosyon?

SIno nga bang pipiliin mo???

ANG TAONG MULING NAGBUKAS NG PUSO MO... O ANG TAONG MATAGAL NG NANDOON???

24.5.09

PARANG KAYO PERO HINDI

She is a 24-year old copywriter. He is an architect. They met and became lovers in college. They broke up last year but remained to be "friends." They send sweet text messages and he calls her often to make sure she's okay. They still date. They still have sex. They don't see anyone else. It is obvious that they still love each other but when asked about their situation, she doesn't know the real score. Even her friends are in the dark. "Parang sila, pero hindi."

She works in a telecom. He is reviewing for the board. They are in the same barkada. They talk on the phone till 4 am. He gives her chocolates, flowers and CDs even when there is no occasion. Their friends are suspecting something. Bakit sila nagsosolo kapag may overnight inuman? Why does he hold her close on the dance floor? Bakit sila magkaholding hands lagi? Sila kaya? "He hasn't admitted anything," she rants. "But I let him hug and kiss me. Parang kami, pero hindi."

They work together in an ad agency. After office, they would watch movie, have dinner and stroll at Glorietta. She gave him Harry Potter books for his birthday in exchange for posing as her boyfriend to make an ex jealous. They made out during the company outing in Subic and never talked about it. He said "I love you" once but she wasn't sure if she heard him correctly because they were both drunk then. But one thing she is sure of is her feelings for him. She likes him. And she's assuming that with what he's doing to her and with her, he likes her, too. There's just one hitch: he has a girlfriend!

She is a 28-year-old virgin. He's a 35-year-old bachelor. Both mountaineers, they became close during their climbs. After a few dates in posh restaurants, he brings her to his condo where they would make out. They have been doing this for months. She wants to believe that "sila na" but then she's not really sure about it. "We don't talk about it but it doesn't really matter," she'd tell her friends. "What's important is I am enjoying this -- whatever it is."

The "parang kayo, pero hindi" stage. Others call it MU or mutual understanding. Pseudo-relationships. Pseudo-boyfriends. Flings. Almost like a relationship, but not quite. It is a phase where the persons involved are more than friends, but not quite lovers. Puwedeng may verbal agreement, puwedeng wala. One or both of you may have admitted your feelings, possible ding hindi. You just let your gestures do the talking for you. Walang pormal na ligawan na nangyari. Hindi kayo mag-dyowa. Pero sa kilos niyo, sa mga sinasabi niyo, parang kayo, pero hindi.

This kind of "relationship" can happen at different stages for different reasons. It can happen after a break-up. You still love each other, and you want to be with each other but you broke up for a reason. And for reasons that you alone know, ayaw niyo na muna magkabalikan.

It can also happen before a relationship, iyong pareho kayong nakikiramdam. Possible din na ayaw niyo munang mag-seryoso kaya kunwa-kunwarian lang muna. Testing lang.

Puwede ring hindi puwedeng maging kayo kasi isa sa inyo --usually the guy --may ka-relasyon na. Kaya habang hindi pa siya nakikipag-break doon sa girl (sabi niya makikipag-break siya soon pero di naman niya ginagawa), wala muna kayong relasyon para nga naman hindi siya nangagaliwa kasi "hindi naman kayo."

This pseudo-relationship stage, for a time, can be fun. Lalo na kung naghahanap ka lang naman ng "kalaro."

Pero huwag ka lang mag-e-expect na may patutunguhan kayo kasi wala talagang kasiguraduhan.

So bakit ang daming nagse-settle sa ganitong set up ganoong hindi naman sigurado kung may patutunguhan?

Iba't ibang dahilan. Puwedeng for fun lang. Puwedeng "buti na iyan kesa wala" or puwede na iyang "pantawid-gutom." Meaning, habang wala pa iyong the real thing, doon muna sa kunwa-kunwarian.

For those who are not in a serious relationship, they would think that pseudo-relationship is better than no relationship at all. It would be fun, if all you are after for is that "kilig" feeling.

Aminado naman ako na once upon a time, may mga pseudo-relationships din ako. No commitments involved. For the simplest reason that they couldn't commit, because they were either committed to someone else, or that they weren't ready to commit.

My rationalization, "okay na iyun, kesa wala."

Ang habol ko lang naman, iyong kilig feeling. Iyong merong nagtatanong kung kumusta araw ko. Iyong merong ka-cuddle sa beach outing. Iyong kapag tumunog ang cellphone, mapapangiti na ako dahil alam kong galing sa kanya ang message. Iyong merong laging kasama. Habang wala pa ang the real thing, puwede na itong pagtiyagaan.

But then I learned that although it was only a pseudo-relationship, the emotions were real. And usually, in this kind of set up, ang babae lagi ang lugi.

Una, you can't ask him to commit. Since it's not really a relationship, you can't demand commitment from your partner. Ano ba kayo? May K ka nga ba magpasundo ng hatinggabi? You will always be uncertain about your role in his life. You can't expect him to be always there with you. And if you feel jealous of the other girls, you just have to keep it to yourself. Ano ka ba niya para magselos?

Pangalawa, what if you fall deeply in love with him? You can't be sure if he feels the same way. Baka nag-a-assume ka lang na mahal ka rin niya. Even if you are dying to tell him you love him, you can't. Because you're not sure if he'll like it. Baka mapahiya ka lang. This stage will always make you wonder where you are in the relationship. Or if there is a relationship at all.

Pangatlo, what if you become attached too much? What if you have invested all your emotions and this man hasn't? What if you remain faithful to him, not entertaining other guys, only to find out that he is seeing other girls?

Isa pang downside ng pseudo-relationships, it is fleeting. When a disagreement sets in, or when one of you gets cold, then that would be the end of it. Unlike in a serious relationship, hindi mo alam kung saan ka lulugar sa isang pseudo-relationship. Wala kang pinanghahawakan. Kasi sa pseudo-relationship, there is no "us." Meron lang "you and me," hindi "us."

Buti sana kung pseudo-pain din lang ang mararanasan mo. Kaso, hindi eh. Real pain. And usually, kahit tapos na ang pseudo-relationship, hindi mo maiwasan umasang one day, may karugtong pa rin iyun. And you will be miserable, hoping to bring back what you used to have, only to find out eventually that the guy is in another pseudo-relationship with somebody else.

Ang hirap, ano? You agreed to this kind of set up for fun and then you'd end up hurting yourself in the process.

Pero puwede naman maiwasan ang pain eh. Puwede naman na hindi mo muna isipin ang future and just enjoy the feeling, without thinking of the consequences.

But if you are certain that you are going to hurt yourself in the process, kailangan mo mamili. You can be happy and live the moment without worrying what would happen next. Or you can stop settling with pseudo-relationships and wait for the real thing.

When I was younger and in a pseudo-relationship with an unavailable guy, a friend told me, "Sige, kung ayaw mong magpapigil, bahala ka. Magpakasaya ka. Pero huwag kang iiyak-iyak pagkatapos, dahil tatadyakan kita."

Ang bottom line lang naman, kung magpapasaya sa iyo, gawin mo. Ihanda mo lang ang sarili mo sa consequence. Dahil ang "parang kayo pero hindi" stage ay bihirang nagiging totoo. Usually, hanggang doon lang siya... almost, but not quite.

MGA KASABIHANG BINAGO NG PANAHON

Ang taong nagigipit...sa bumbay kumakapit

Pag may usok...may nag-iihaw

Dont judge the book by its cover... if u are not a judge or else you will cover the book!

Ang taong naglalakad nang matulin... may utang.

No guts, no glory... no ID, no entry

Birds of the same feather that prays together... stays together.

Kapag may sinuksok at walang madukot, may nandukot

Ang buhay ay parang bato, it's hard

Walang matigas na tinapay sa gutom na tao

Ang taong di marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan .... ay may stiff neck.

Birds of the same feather make a good feather duster.

Kapag may tiyaga, may nilaga.

Kapag may taga, may tahi.

Huli man daw at magaling, undertime pa rin.

To err is human, to errs is humans.

Ang naglalakad ng matulin, late na sa appointment

Matalino man ang matsing, matsing pa rin.

Better late than later...

Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang bahay kubo, sa paligid puno ng linga.

Ang sakit ng kalingkingan, kailangan ng alaxan.

Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika,lumaki sa ibang bansa.

Kapag maikli ang kumot, tumang kad ka na!

Better late than pregnant

Behind the clouds are the other clouds

Aanhin pa ang damo.. kung bato na ang uso!

Its better to cheat than to repeat!

Do unto others... then run!!!

Pag di ukol, di bubukol...siya ay baog!

Kung may isinuksok, may
mabubuntis!

Kapag puno na ang salop, kumuha na ng ibang salop

Magbiro ka na sa lasing, Magbiro ka na sa bagong gising,'wag lang sa lasing na bagong gising.

When all else fails, follow instructions

No man is an island because time is gold.


An apple a day.. is too expensive.

An apple a day, makes seven apples a week.

An apple a day cannot be an orange a day.

Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.. muta lang yan.

kapag ang puno mabunga...mataba ang lupa!

When it rains...it floods

Pagkahaba haba man ng prusisyon ..mauubusan din ng kandila

Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw minsan nasa....vulcanizing shop.

Pag may isinuksok, may ipuputok

Pag may isinuksok, isuksok mo pa, harder!

Batu-bato sa langit, ang tamaan... sapul.


Try and try until you succeed... or else try another

Ako ang nagsaing... iba ang kumain. diet ako eh.

Huwag magbilang ng manok kung alaga mo ay itik .

Kapag maiksi na ang kumot, bumili ka na ng bago.

Pag may tyaga.. goodluck.

If you can't beat them, shoot them

BADONG MY FATHER

Sometimes you think you know the people that are close to you.. but beware. Please excuse the graphic nature of how this story is told but I believe it is necessary to highlight the important lesson within.

----------------------------

Huwag Po Itay....

Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin ng aking itay isang gabi. Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Malakas ang ulan
noon nguni't maalinsangan ang simoy ng hangin.

Ako ay nagsusuklay sa aking silid, katatapos ko pa lamang maligo at nakatapis pa lamang noon . Narinig kong kumakatok si Itay sa aking pinto. Nang sagutin ko ang pagkatok niya ay sinabi niya na kailangan daw naming mag-usap at humiling na papasukin siya. Binuksan ko ang pinto at siya'y kagyat na pumasok sa aking silid.

Laking pagkagulat ko nang ipinid niya at susian ang pinto. Hinawakan ni Itay ang aking mga kamay, hinaplos-haplos niya ang aking buhok, ang aking mukha, pinaraan niya ang kanyang mga daliri sa aking kilay, sa aking mga pisngi,sa aking mga labi. Napasigaw ako.

"ITAY, huwag, huwag! Ako'y inyong anak! Utang na loob, Itay!" Nguni't parang walang narinig ang aking Itay. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata dahil ayaw kong makita ang mukha ng aking ama habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang ginagawa sa akin.

Naririnig ko si Inay sumisigaw habang binabayo ang pinto at nagpipilit na ito'y buksan, "Hayop ka! hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa anak mo! Huwag mong sirain ang kanyang kinabukasan".

Subalit wala ring nagawa si Inay, hindi rin siya pinakinggan ni Itay. Nanatili na lamang akong walang katinag-tinag at ipinaubaya ko na lamang ang aking sarili sa anumang gustong gawin ng aking Itay.

Pagkalipas ng ilang oras ay tumigil na rin ang aking Itay. Iniharap niya ako sa salamin ay ganoon na lamang ang aking pagkamangha at pagkagulat sa aking nakita. Magaling naman palang mag-make-up si Itay.

Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin ang aking ama. Bakla pala siya. Labis akong nagalak sa galing at husay ng aking ama. Naisip ko na matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo akong gumanda ngayon. Niyakap ko si Itay at pareho kaming napaluha sa labis na kagalakan. Masaya na kami ngayon at nabubuhay nang matiwasay.

Lovingly yours,

BADONG

Please scroll to see my father...




MAASIKASONG ASAWA

Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang ikasal sina Gino at Karen.

Kahit mahal na mahal ni Gino ang kanyang misis, nasasabik din siyang makipag-inuman sa kanyang mga kumpare. Isang gabi, nagpaalam si Gino kay Karen,

"Honey, aalis ako ha, babalik kaagad ako..."

"Sweetheart, saan ka pupunta?" tanong ni Karen.

"Sa bar, cutiepie, iinom lang ako ng beer." saad ni Gino.

"Gusto mo ng beer, love? Eto..." hirit ni Karen sabay bukas ng refrigerator at ipinakita ang 25 na iba't ibang klase ng beer na puro imported. Hindi malaman ni Gino kung ano ang gagawin. Ang sabi na lang niya,

"Oo, cutiepie, pero doon sa bar... alam mo na... yung malamig na glass..."

Hindi pa tapos magsalita si Gino, eh, buong lambing na nagsalita na si Karen, "Gusto mong malamig na glass, sweetheart? Eto..." Binuksan ni Karen ang freezer at naglabas s'ya ng isang malaki at malamig na glass, sobrang lamig at nangangatog pa siya sa pagkakahawak.

Medyo namumutla na si Gino, na ang nasabi eh, "Oo nga cutie pie, Pero sa bar ang daming masasarap na pulutan... sandaling-sandali lang ako talaga. Babalik kaagad ako, okey?"

"Gusto mo ng pulutan, sweetheart?" malambing pa ring usisa ni Karen, na binuksan ang oven at naglabas ng iba-ibang klase ng pulutan-sisig, chicken wings, chicharong bulaklak, crispy pata, inihaw na bangus, camaron rebosado, hotdog with onion, kaldereta at iba pa.

"Pero cutie pie... sa bar... you know, merong konting biruan, bolahan, murahan... you know..." alumpihit na sabi ni Gino.

Hindi na nakapagpigil si Karen, "Gusto Mo Ng Murahan Sweetheart? ....

... TANGINA MO PALA EH! HETO, INUMIN MO ITONG PUTANG INANG BEER MO
SA MALAMIG NA BWAKANAN NG INANG BASO NA ITO, AT KAININ MO 'YANG PUKI NANG INANG PULUTAN NA 'YAN DAHIL HINDI KA LALABAS NG BAHAY! ULOL!
'TANG INANG 'TO"