Nang mag-rotate ako as intern sa Pediatrics ng PGH , mahal na mahal talaga ng mga nanay ang kanilang mga anak na may sakit. Pilit nilang tinatandaan ang mga gamot at tawag sa sakit ng kanilang anak.
Doktor: “Mrs. ano po ang mga gamot na iniinom ng anak niyo?”
Mrs 1 : “Doc phenobarbiedol l po.”
Doktor: “Ah baka po phenobarbital. ” (Gamot sa convulsion ang phenobarbital)
__________________________________________________________________________________
Doktor: “Mrs. ano po ba ang antibiotic na iniinom ng anak ninyo?”
Mrs 2: “Doc metromanilazol e po.”
Doktor: “Ah baka po metronidazole. ” (Gamot sa amoeba ang metronidazole)
__________________________________________________________________________________
Ang tawag sa recovery room ng PGH ay PACU (Post-Anesthesia Care Unit)
Doktor: “Mrs., tapos na po ang operasyong ng anak ninyo, punta na Po kayo sa PACU.
Mrs 3: “Eh Doc, saan po sa Paco? Sa may simbahan po ba o sa may palengke?
__________________________________________________________________________________
Doktor: “Mrs. ano po ba ang sinabi ng dating doktor kung ano daw ang sakit ng inyong anak?”
Mrs 4: “Eh Doc sabi po niya Tragedy of Fallot.
Doktor: “Ah baka po Tetralogy of Fallot (Isang Congenital Heart Disease ang Tetralogy of Fallot)
__________________________________________________________________________________
Doktor: “Mrs. ano daw po ba ang sakit ng anak ninyo?”
Mrs 5: May ketong daw po.
In-examine ng doktor ang balat ng pasyente. Wala siyang makitang senyales ng ketong. Tumawag pa siya ng isang Dermatologist para mag-examine nang husto. Wala talaga.
Doktor: “Mrs. sigurado po ba kayong ketong ang Sakit ng bata?”
Mrs 5: “Eh iyon po ang sabi ng doktor niya dati. Mataas daw po ang ketong sa ihi dahil may diabetes.”
Doktor: “Ah ketone po yon! (Ang positive ketone sa Ihi ay senyales ng kumplikasyon ng diabetes.)
__________________________________________________________________________________
Doktor: (Sa buntis na mrs. na nagle-labor) “Mrs.pumutok na po ba ang panubigan mo?”
Mrs 6: ”Eh Doc, wala naman po akong narinig na pagsabog.” (Hanep!)
__________________________________________________________________________________
Eto ay kwento ng aking reviewer noon: Sa states, ang basa nila sa PACU is PAKYU. Maarte kase sila. Then one time may isang Filipino nurse…
FilNurse: Where is Dr. Smith?
AmHeadnurse: PACU (pronounced as PAKYU)
FilNurse: Pakyu too! nagtatanong ng maayos, mumurahin mo ako!! PI MO!
3.1.09
Hospital bloopers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment