27.5.09

JOKE MUNA!!!

SIOPAO
Kulas: Miss, isa ngang siopao, 'yung babae.
Waitress: Babaeng siopao?
Kulas: Oo. 'Yung may papel na sapin. Kumbaga, napkin.
Waitress: Ahh, ganun po ba? Lalaki po ang nandito.
Kulas: Lalaki?
Waitress: Oho, may itlog po sa loob.

Kodigo
Nahuling may kodigo ang estudyante...
Guro: Ano 'to?
Estudyante: Prayer ko po,ma'am!
Guro: At bakit answers ang nakasulat?
Estudyante: Naku! Sinagot na ang prayers ko!

Alimasag
Nakaamoy si Ngongo ng pabango sa isang store.
Sabi ni Ngongo, "Ale, mango!"
Sabi naman ng saleslady, "Pabango 'yan, hindi alimango!"
Ulit ni Ngongo, "Ale, mango!"
Nag-agawan si Ngongo at ang saleslady sa pabango.
Nahulog ang pabango at nabasag.
Sabi ni Ngongo, "Ale, masag!"

Mamili ka
Mister: Anong tanghalian natin?
Misis: Nasa mesa! Bahala ka nang mamili!
Mister: Isang tuyo?! Anong pagpipilian ko?
Misis: Mamili ka... kakain ka o hindi?

Plantsa
Dok: Ano'ng nangyari sa tenga mo?
Joshue: Nama-mlantsa kasi ako nang kumiriring ang telepono. Aksidenteng na-pick up ko 'yung plantsa.
Dok: Eh bakit dalawang tenga& nbsp;mo ang nagkaganyan?
Joshue: Ang gago, tumawag uli!

Minsan
minsan, sa aking pag-iisa, naalala kita...
Inisip kong nasa tabi lang kita at tayo'y nagsasaya. Tapos, bigla kang umalis. Nalungkot ako.
Akala ko, iiwan mo na ako. Uutot ka lang pala, tinakot mo pa ako!

PALIMOS
Pulubi: Palimos po, maawa na kayo.
Tonyo: Iinom ka o magyoyosi?
Pulubi: Wala po akong bisyo.
Tonyo: Okey. Sumama ka sa akin para malaman ng nanay ko ang nangyayari sa taong walang bisyo.

ALITAPTAP
Anak: 'tay, hindi ako makatulog, kasi, maraming lamok!
Tatay: Papatayin natin ang ilaw para hindi tayo makita.
(Pagkapatay ng ilaw, dumating naman ang mga alitaptap.)
Anak: Hala ka, 'tay, nagdala sila ng flashlight!

0 comments: